Tiniyak ng Quezon City Jail Male Dormitory na magkaroon ng sapat na suplay ng malinis na tubig ang bagong pasilidad nito sa Payatas, Quezon City.
Para mapahusay pa ang suplay ng tubig nagsagawa ng ocular inspection ang Maynilad Water Services sa jail facility kahapon.
Layunin din nitong matugunan ang mga pangangailangan sa tubig ng Persons Deprived of Liberty at maiwasan ang anumang summer born disease na maaaring mangyari ngayong panahon ng tag-init.
Nauna nang nag courtesy call sa Maynilad si City Jail Warden JSupt. Warren Geronimo at tinalakay ang kung paano pa mapahusay ang suplay ng tubig sa pasilidad.
Ginawa ito ng Jail Wanden matapos okupahan na ng mga PDL ang bagong pasilidad noong nakaraang linggo.| ulat ni Rey Ferrer