SBMA at DHSUD, magtatayo ng housing project sa loob ng freeport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng kasunduan ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) para sa housing project sa Freeport.

Ayon kay SBMA Chairperson and Administrator Eduardo Jose L. Aliño ang kasunduan sa pabahay ay itatayo sa loob ng Subic Bay Freeport Zone na pakikinabangan ng mga empleyado ng SBMA.

Sinabi naman ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, na ito ay bahagi pa rin ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Magsisilbi rin umano itong magandang regalo sa mga empleyado ng ahensya upang mas maging inspirado at dedikado sa kanilang trabaho sa freeport.

Ang Socialized Housing Project ay tatagal ng hanggang 50 taong gulang kung saan mabibigyan ang mga benepisyaryo ng Certificate of Ownership of Leasehold Rights sa halip na titulo.

Ayon kay Alino, ang mga kwalipikadong empleyado na mabibigyan ng pabahay ay pagkakalooban din ng five percent subsidy sa interest rate na ipapataw sa pabahay.

Tiniyak ni Secretary Acuzar ang kanyang suporta sa SBMA’s shelter provision initiatives kung saan gagamitin ang dating US Naval base’s strategic location at infrastructures para sa 4PH program. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us