Inaaral na ng pamahalaan ang iba’t ibang insentibo na layong hikayatin ang medical workers sa bansa na mas piliin ang pagsi-serbisyo sa Pilipinas.
Pahayag ito ni Health Secretary Ted Herbosa sa gitna ng 190,000 gap sa human medical resources na pilit na tinutugunan ng pamahalaan.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Budget and Management (DBM), upang maisulong ang insurance para sa mga healthcare worker.
Maliit lamang aniya ang subsidy na posibleng maipagkaloob sa mga ito, ngunit mabibigyan aniya ng kakayahan ang mga healthworker na makakuha ng health insurance para sakanila at sa kanilang pamilya.
“Some of them will stay and very soon i-announce namin na we’re actually allocating with DBM money to get health insurance. So may subsidy na ibibigay, maliit lang pero it will allow them to get health insurance for themselves and even their family. So may PhilHealth na sila, they can get a health insurance.” —Secretary Herbosa.
Isa pa sa kanilang inaaral, ang pagbibigay ng pabahay sa health workers.
Nakikipagusap na rin aniya ang DOH sa Housing Department at PAGIBIG para dito.
Bukod dito, nariyan rin aniya ang posibilidad ng educational benefits o paggagawad ng scholarship sa mga ito, para sa development pa ng kanilang medical career.
Maging ang posibilidad ng car plan.
“And the third is we’re also looking at other benefits like education wherein they can have career paths to actually develop their career, have scholarships, have a masters in nursing and become higher in the rank and other benefits like given maybe a car plan.” —Secretary Herbosa.
Paglilinaw ng kalihim, hindi naman lahat ng pumasok sa medical profession ay umaalis sa bansa ay dahil lamang sa pera.
“Not all people leave because of money, that’s what I realized because iyong iba nag-nurse talaga kasi gusto nilang mag-nurse at mag-alaga ng tao.” —Secretary Herbosa.| ulat ni Racquel Bayan