Nagpasalamat si National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año sa buong suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ay matapos tiyakin ng Pangulo na hindi bubuwagin ang NTF-ELCAC, na bahagi ng “whole of Nation approach” para makamit ang pangmatagalang kapayapaan.
Sa isang kalatas, sinabi ni Sec. Año na sa ilalim ng liderato ng Pangulo, sisikapin ng NTF-ELCAC na makumpleto ang kanyang misyon.
Sinabi ni Sec. Año, na ang NTF-ELCAC ang nakatulong sa pagbabalik-loob ng maraming dating rebelde na nabigyan ng panibagong pagkakataon na manumbalik sa Lipunan, sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) at Assistance to Individuals in Crisis situations (AICS).
Ang NTF-ELCAC din aniya ang naging daan sa implementasyon ng Barangay Development Program (BDP), na maghahatid ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga liblib na lugar na dating napabayaan. | ulat ni Leo Sarne