Hinatulang guilty ng Korte Suprema si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon dahil sa kasong gross misconduct.
Sa desisyon ng Supreme Court (SC) na inilabas ngayong hapon, pinatawan si Secretary Larry Gadon ng disbarment at multa na P150,000.
Nag-ugat ang kaso matapos lumabas sa imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines na umano’y ilang beses nagsinungaling at gumamit ng mga hearsay na ebidensya sa kasong impeachment laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at iba pang mahistrado.
Pero dahil nauna nang na-disbar si Sec. Larry Gadon ay hindi na ipinataw sa kanya ang parusa bagkus ay pinagbabayad na lamang siya ng multa. | ulat ni Michael Rogas