Sec. Larry Gadon, nanindigang totoo ang mga ebidensya na iniharap niya sa impeachment court vs dating SC Chief Justice Sereno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinanindigan ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, na genuine o totoo ang dokumento na kanyang ginamit na ebidensya sa impeachment court laban kay dating Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang pahayag ay ginawa ni Secretary Gadon, isang araw matapos hatulang guilty ng Korte Suprema dahil sa gross misconduct.

Sabi ng Kalihim, tinanggap ng Kamara ang mga ebidensya na kanyang iniharap para sa proseso ng pagpapatalsik noon kay Sereno.

Ang mga dokumento na isinumite ay kahalintulad din ng mga dokumento na kanyang ginamit sa petisyon na inihain niya sa Supreme Court para sa qou warranto laban sa dating punong mahistrado.

Kung peke umano ang mga dokumento, dapat ay bawiin ng Supreme Court ang hatol kay Sereno at ibalik ito bilang Chief Justice ng Supreme Court.

Sa desisyon ng SC, hinatulang ma-disbar si Gadon matapos itong irekomenda ng Integrated Bar of the Philippines.

Pero dahil dati na siyang hinatulang ma-disbar, pinagmumulta na lamang siya ng P150,000. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us