Nasa Singapore ngayon si Department of Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kasama ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Pangulo ang magbibigay ng keynote address sa Shangri-La Dialogue (SLD) ngayong taon, habang si Sec. Teodoro, kasama ang delegasyon ng DND ay nakatakda namang lumahok sa high-level plenary sessions ng nataturang pagtitipon kung saan tatalakayin ang mga isyung pandepensa at diplomatiko sa rehiyon.
Makikipagpulong din si Sec. Teodoro sa mga Defense Minister mula sa iba’t ibang bansa; habang ang mga opisyal ng DND ay makikipagusap din sa kanilang mga dayuhang katuwang tungkol sa mga programa at proyektong pandepensa.
Ang SLD ay taunang pagtitipon na inorganisa ng International Institute of Strategic Studies (IISS), kung saan regular na nagpapadala ng delegasyon ang DND para ibahagi ang posisyon ng bansa sa iba’t ibang isyu sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne