Itinuturing nina Senador Ramon ‘Bong’ Revilla at Senador Robin Padilla na malaking tagumpay para sa mga manggagawa ng entertainment industry ang pagiging ganap na batas ng Eddie Garcia Law (RA 11996).
Kapwa pinasalamatan nina Revilla at Padilla si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpirma sa batas na layong pagbutihin ang kapakanan ng mga nasa industriya ng telebisyon at pelikula.
Inialay ni Revilla ang batas na ito sa pumanaw na batikang artistang si Eddie Garcia, na pumanaw sa gitna ng trabaho.
Umaasa naman si Padilla na sa pamamagitan ng batas na ito ay bubuti na ang working condition ng mga nasa entertainment industry.
Tinitiyak ng Eddie Garcia Law na ang mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay mabibigyan ng proteksyon ng kanilang mga employers sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Nakasaad din dito na dapat ay ipatupad ng employer ang tamang oras ng isang ordinaryong nagtatrabaho, ibigay ang tamang pasahod at kaukulang benepisyo tulad ng social security at iba pang benepisyo, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, at insurance para sa manggagawa.| ulat ni Nimfa Asuncion