Ipinahayag ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senador Risa Hontiveros ang kanyang pagkabahala sa posibleng koneksyon ng mga Philipine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa pagsasagawa ng surveillance activities at hacking ng mga government websites.
Ginawa ng senador ang pahayag sa naging pagdinig ng kanyang komite tungkol sa na-raid na POGO sa Bamban, Tarlac kung saan natuklasang nagaganap ang malawakang scam operations.
May natanggap aniyang impormasyon si Hontiveros na ang na-raid na na-trace sa Bamban complex ang ilang surveillance activities at high profile cases ng hacking ng government websites ng Pilipinas.
Ayon kay Hontiveros, ang Pilipinas ay nagiging fastest growing hotspot na para sa mga scam sa buong mundo.
At kung hindi pa aniya maagapan ay patuloy lang itong lalago at maaaring kalaunan ay maharap sa banta ang ating national security.
Bukod pa ito sa human trafficking at iba pang mga krimen na dulot ng POGO kaya naman nararapat na aniyang ipatigil at ipagbawal na ng gobyerno ang POGO operations sa bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion