Kinilala ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagsasabatas ng Republic Act 11996 o ang Eddie Garcia Law bilang mahalagang milestone sa pagprotekta at pagtataguyod ng kapakanan ng mga nasa TV at movie insutry.
Ayon kay Estrada, ito ang batas an magtitiyak ng mas lligtas at maayos na working condition para sa mga nagtratrabaho sa industriya, magrergulate ng kanilang oras sa trabaho, magbibigay ng benepisyo, insurance coverage at karapatan para sa collective bargaining.
Bibigyang daan rin aniya nito ang pagbuo ng isang Movie and Television Tripartite Council para pangasiwaan ang mga dayalogo at imporvements sa TV at movie industry.
Kasabay nito ay nagpasalamat ang senador kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpirma sa naturang batas at sa lahat ng sumuporta para maisakatuparan ito.
Iginiit ni Estrada na hindi lang ito isang batas kundi simbolo rin ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa buhay at kapakanan ng mga nag aambag sa entertainment industry. | ulat ni Nimfa Asuncion