Sen. Jinggoy Estrada, ipinaliwanag kung bakit niya pinagbigyang makalaya si dating PDEA agent Jonathan Morales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaliwanag ni Senador Jinggoy Estrada kung bakit niya pinagbigyan na makalaya na mula sa detention sa Senado si dating PDEA agent Jonathan Morales.

Matatandaang si Estrada ang nagmosyon na ma-cite in contempt si Morales dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order.

Ayon kay Estrada, sa kabila ng pagiging seryoso ng mga isyu na kinakaharap ni Morales sa Senado, partikular ang pagsisinungaling nito under oath sa Committee on Public Order, nagdesisyon siyang ibigay ang consent na mapalaya ito para sa humanitarian considerations.

Paliwanag ng senador, binigyan niya ng konsiderasyon ang kalagayan ni Morales lalo na’t may edad na ito at sa pangangailangan na ring makasama nito ang kanyang pamilya.

Sa huli, binigyang-diin ni Estrada na dapat magsilbing aral na ang pangyayaring ito sa mga susunod na magiging testigo sa Senado.

Na hindi aniya kailanman katanggap-tanggap sa Senado at hindi nila hahayaan ang pagsisinungaling sa mga pagdinig ng Mataas na Kapulungan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us