Nababahala si Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada sa ulat na na-hack ng China ang database ng Ministry of Defense ng United Kingdom (UK).
Ito lalo na sa gitna ng impormasyon na nagagamit na rin ang mga POGO dito sa Pilipinas sa hacking ng ating mga government website.
Base sa mga unang ulat, China ang itinuturo sa hacking kung saan nakompromiso ang personal information ng mga miyembro ng Armed Forces ng UK.
Sa kabilang banda, itinanggi naman ng Beijing ang ulat na ito.
Ayon kay Estrada, kung ang UK nga ay naha-hack nakakapangamba aniyang mangyari rin ito sa ating bansa.
Gayunpaman, umaasa ang senador na hindi tayo matutulad sa nangyari sa UK Ministry of Defense. | ulat ni Nimfa Asuncion