Ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagkakaroon ng agarang aksyon, kapwa sa lokal at international level, sa pagtugon sa nararanasang pagtindi ng init ng temperatura sa buong mundo na tinagurian nang ‘global boiling’.
Nababahala aniya ang senador sa kapakanan ng ating bansa at ng mundo sa nararanasang pagbabago ng klima.
Iginiit ni Legarda na responsibilidad ng lahat ng mga bansa sa mundo ang pagtugon sa climate change, lalo na ang mga mauunlad na bansa bilang sila ang may impluwensya at resources na magpatupad ng pagbabago at pigilin ang global emissions.
Kabilang sa mga iminumungkahi ni Legarda ang pagprayoridad sa mga sustainable practices, pamumuhunan sa renewable energy sources, water security, sustainable at circular livelihood, at pagpapatupad ng mga polisiya na akma at makatutugon sa epekto ng climate change.
Dapat rin aniyang suportahan ang mga inisyatibo na layong makabuo ng resilience sa mga vulnerable communities.
Ipinaalala ni Legarda na konektado ang lahat ng ating mga aksyon at ang bawat aksyon ay may epekto sa ating mundo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion