Sen. Poe, isinusulong ang pag-apruba ng prangkisa ng tatlong power distribution utilities para sa probinsya ng Leyte, Romblon at NegOcc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senate Committee on Public Services chairperson Sen. Grace Poe sa mga kasamahan niya sa Senado na aprubahan na ang prangkis ng tatlong power distribution utilities sa mga probinsya ng Leyte, Romblon at Negros Occidental.

Ang panawagang ito ng senadora ay kasunod ng pag sponsor niya sa plenaryo ng Senado ng tatlong panukalang batas na maggagawa ng prangkisa sa Leyte II Electric Cooperative (Leyeco II), Romblon Electric Cooperative (Romelco), at Negros Electric and Power Corporation (NEPC).

Giit ni Poe, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng heat index sa bansa ay mas nararapat nang ikonsidera at aprubahan agad ang prangkisa ng mga nabanggit na power distribution utilities para maiwasan ang brownouts sa mga pagseserbisyuhan nilang lugar.

Kailangan aniyang matiyak na manantiling accessible, mura at maaasahan ang suplay ng kuryente saan mang bahagi ng bansa.

Sa ilalim ng House Bill 6295, layong igawad sa Leyeco II ang pagseserbisyo sa mga residente ng Tacloban City, Babatngon at Palo sa Leyte.

Ang House Bill 9154 naman ay layong ibigay sa Romelco ang pagseserbisyo sa island municipalities ng Banton, Cocuera, at Concepcion bilang dagdag sa kasalukuyan na nitong pinagseserbisyuhang capital ng Romblon at Sibuyan Island.

Habang ang House Bill 9805 naman ay layong ibigay ang prangkisa ng pagsusuplay ng kuryente sa NEPC bilang tugon sa mga panawagan para sa mas maayos na power service sa Negros occidental.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us