Ipinahayag ni Senador Joel Villanueva ang kanyang pagtutol sa Divorce bill na aprubado na sa Kamara.
Pangamba ni Villanueva, baka maging ‘drive thru’ o mabilisan na lang ang pagsasawalang bisa ng kasal sa bansa kapag naaprubahan at naisabatas ang Absolute Divorce bill.
Giniit ni Villanueva na isang kilalang Christian, dapat isipin kung ano ang magiging epekto ng panukalang ito sa mga pamilyang Pilipino.
Sinabi ng senador, na ginagalang nila ang posisyon ng Kamara sa panukala.
Kaya naman umapela rin siya sa mga kongresista na respetuhin rin ang panahon ng Senado na pag-aralan ang panukalang divorce.
Samantala, ilang senador naman ang nagpahayag na pinag-aaralan pa nila ang panukala.
Gaya ni Senador Bong Revilla, na pinag-aaralan pa aniya ng mabuti ang panukala dahil mahirap na aniyang magkamali.
At si Senador Sonny Angara, na nais tiyaking mapoprotektahan pa rin ang institusyon ng kasal pero kasabay nito ay magkaroon ng paraan para gawing patas ang pagkakataon para sa mga mahihirap na nais mapawalang bisa ang kanilang kasal. | ulat ni Nimfa Asuncion