Kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Senate President Juan Miguel Zubiri ay sumunod ring nagbitiw sa pwesto ang ilang mga senador na kaalyado nito.
Una na si Senador Joel Villanueva na bumaba sa pagiging Majority Leader ng Mataas na Kapulungan.
Pumalit naman sa kanya bilang Senate Majority Leader si Senador Francis Tolentino.
Nagbitiw rin bilang Senate President Pro Tempore si Senadora Lloren Legarda at pumalit sa kanya sa pwesto si Senador Jinggoy Estrada.
si Senadora Nancy Ninay naman nagbitiw rin bilang chairperson ng Senate Committee on Accounts, Committee on Ethics at Committee on Tourism.
Pumalit naman bilang chairman ng Senate Committee on Accounts si Senador Alan Peter Cayetano.
Binitawan na rin ni Senador Sonny Angara ang chairmanship ng Senate Committee on Finance, Committee on Youth at ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments na siyang tumatalakay ng panukalang Economic Cha-cha.| ulat ni Nimfa Asuncion