Tuluyan nang bumaba sa pwesto bilang leader ng Senado si Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sa maiksing interview bago ang sesyon, una nang kinumpirma ni Zubiri ang change of leadership.
Inamin ni Zubiri na heartbroken siya sa nangyari.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin aniyang susuportahan ni Zubiri ang independence ng Mataas na Kapulungan.
Ibinida rin ni Zubiri ang mga napagtagumpayan ng 19th Congress Senate sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Kasama na dito ang pagkakaapruba ng ilang key legislation gaya ng maharlika investment fund law, internet transactions act, at iba pa.
Nagpasalamat rin ang senador sa suportang kanyang natanggap sa halos dalawang taon ng kanyang panunungkulan sa pwesto bilang Senate President.
Partikular na pinasalamatan ni Zubiri ang pitong senador na nanatiling tapat sa kanya at hindi pumabor na mapatalsik siya sa pwesto kabilang sina Senadora Loren Legarda, Senador Joel Villanueva, Senador JV Ejercito, Senador Sonny Angara, Senadora Nancy Binay, Senador Sherwin Gatchalian at Senador Bato dela Rosa. | ulat ni Nimfa Asuncion