Senate President Zubiri, aminadong kulang pa ang bilang ng mga senador na ganap na kumbinsido sa ipinapanukalang Economic Cha-Cha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senate President Juan Miguel Zubiri na kailangan pang mas makumbinsi at pagpaliwanagan ang ilang senador tungkol sa panukalang Economic Charter Change (Cha-Cha).

Ayon kay Zubiri, sa ngayon ay nasa 15 hanggang 16 na senador pa lang ang pabor sa Eco Cha-Cha o sa Resolution of Both Houses No. 6.

Batay sa Konstitusyon, 18 na boto o 3/4 vote ng mga senador ang kailangan para maaprubahan ang panukalang Cha-Cha.

Tiwala rin ang Senate leader na magiging maganda naman ang paliwanag ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara sa mga kapwa niya tungkol sa Economic Cha-Cha.

Dinagdag rin ni zubiri na maliban sa mga kapwa senador ay kakailanganin rin nilang kumbinsihin ang taumbahan tungkol sa panukala.

Umaasa si Zubiri na magkakaroon na ng committee report tungkol sa RBH 6 sa katapusan ng buwan at matapos ang gagawin nilang regional consultation sa Cebu at Cagayan de Oro sa susunod na linggo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us