Senior High School graduates, makakatanggap ng libreng Techvoc skills assessment na sisimulan sa 2025 – TESDA  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakatanggap ng libreng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) skills assessments ang mga senior high school sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood sa taong 2025.

Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III, sa ilalim kasi ng dalawang joint memorandum circulars na nilagdaan ng TESDA, Department of Education, Department of Labor and Employment, at Commission on Higher Education ay matutugunan ang skills mismatch at employment gap sa SHS graduates.

Layunin din nito na mapondohan ang assessment ng SHS graduate para sa National Certificates I at II.

Makakatulong ang dashboard ng mga ahensya para matukoy ang mga graduating student na kailangang i-assess habang ang DepEd naman ay tutulong na maghanap kung saang distrito sila galing. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us