SP Chiz Escudero, giniit na itinuturing pa ring bahagi ng Majority bloc sina dating Sen. Migz Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing pa rin ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na bahagi ng Senate majority ang grupo nina dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Kabilang sa mga kasama sa grupo ni Zubiri sina Senador Joel Villanueva, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. JV Ejercito, Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, at Sen. Loren Legarda.

Una nang ipinahayag nina Zubiri, Villanueva, Gatchalian at Ejercito na pag-uusapan pa nila kung saang grupo sila sasali, sa majority, minority o independent bloc.

Ayon kay Escudero, pasya na ito ng grupo nina Zubiri pero batay sa tradisyon at rules ng Senado ay mayorya pa rin sila dahil ang dalawang senador lang na miyembro ng minority ang hindi nakisali sa botohan noong Lunes kaya nanatili sila sa minority.

Ito ay sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.

Sinabi ng Senate leader na libre naman ang mga senador na mag-manifest anumang oras ng kanilang intensyon na maging bahagi ng minority bloc.

Pero sa ngayon ay bahagi pa rin aniya sina Zubiri ng majority. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us