SP Escudero, nanumpa na bilang bagong lider ng mataas na kapulungan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Si Senador Alan Peter Cayetano ang nag-nominate kay Escudero bilang bagong Senate President na sinang ayunan naman mayorya ng mga senador.

Kasama ni Escudero nang manumpa bilang Senate President ang kanyang asawa na si Heart Evangelista.

Sa kanyang talumpati matapos ang oath-taking, tiniyak ni Escudero na walang magiging ‘my team’ ‘your team’ o hindi magkakaroon ng pagkakawatak-watak sa Senado.

Giniit ng bagong Senate President na nasa iisang Senado lang sila.

Hinihingi rin nito ang paggabay ni dating Senate President Zubiri sa kakaharapin niyang bagong tungkulin.

At nagpasalamat sa tiwala ng mayorya ng mga senador sa kanya bilang bago nilang leader.

Sa huli, sinabi ni Escudero na nakahanda siyang pagsilbihan ang mataas na kapulungan sa abot ng kanyang makakaya kasabay ng pagsisilbi sa Pilipinas at sa sambayanang Pilipino.

Samantala, nilinaw naman ni Senate Minority leader KokoPpimentel na sila sa minorya o silang dalawa ni Senadora Risa Hontiveros ay hindi nakibahagi sa naging botohan para sa bagong Senate President.

Gayunpaman, umaasa si Pimentel na magiging kasing patas ng pamumuno ni Zubiri sa Senado ang magiging pamumuno ni Escudero sa Mataas na Kapulungan, lalo na sa kanilang bahagi ni minority bloc.

Mananantili rin aniya sila ni Hontiveros sa minority.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us