Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang notorious na miyembro ng Special Partisan Unit (SPARU) ng New People’s Army (NPA) sa Guinobatan, Albay nitong May 28.
Kinilala ni CIDG Director Police Major General Leo Francisco ang suspek na si alyas Alberto Olavario/Ka Andy/Bha/Thang Jun, ng Barangay Lomacao sa nabanggit na bayan.
Ayon kay Maj. Gen. Francisco, ang suspek ay aktibong miyembro ng liquidation squad ng NPA na responsable sa serye ng sniping incident at pananambang sa mga pulis at sundalo sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur.
Inaresto ng mga tauhan ng CIDG Albay Provincial Field Unit (PFU) ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa apat na count ng Frustrated Murder na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 14, sa Ligao City.
Tiniyak ni Maj. Gen. Francisco na patuloy na tutugisin ng CIDG ang mga wanted na teroristang komunista, alinsunod sa utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na palakasin ang kampanya laban sa lahat ng “wanted persons” sa bansa. | ulat ni Leo Sarne