SSS, nagsampa ng kaso laban sa apat na employers; 655 na iba pa, susunod na kakasuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang kinasuhan sa Prosecutor’s Office ng Social Security System (SSS) ang apat na business establishment sa kabiguang mag-remit ng kontribusyon ng mga empleyado na aabot na sa P15 milyon.

 Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, resulta ito ng isinagawang nationwide Run After Contribution Evaders (RACE) campaigns ng ahensya.

Kabilang sa sinampahan ng kasong kriminal ang isang restaurant business na nakapangalan kay Juanito Galvez, isang fire extinguisher’s retail-refilling supplier na Chedda General Merchandise, BPO service provider e-Telecare, at car spare parts importer Cinwha Trading Corporation.

Bukod dito, may kasunod pang 655 delinquent employers ang makakasuhan din dahil sa kahalintulad na paglabag at aabot na sa P257 million ang hindi na-remit na kontribusyon.

Nauna nang naglabas ng violation notice ang SSS sa mahigit 1,200 delinquent employer sa buong bansa sa isang isinagawang synchronous RACE operation.

Sinabi naman ni SSS Vice President for Operations Legal Services Division at RACE Team Coordinator Renato Jacinto Cuisia, na pinalalakas pa ng SSS ang mga kampanya nito sa RACE sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us