Target ngayong taon ng Social Security System na makapag rehistro ng 2 million na mga bagong miyembro.
Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, hanggang Marso 2024, naabot na ng SSS ang 45.95% ng target nito,na nakapagrehistro ng 928,911 bagong miyembro.
Halos kalahati ng taunang target ay nakamit na sa loob lang ng unang tatlong buwan ng taon.
Pinapurihan ng pamunuan ng SSS ang mga sangay nito na walang humpay sa pagpaparehistro ng miyembro lalo na sa mga self-employed at impormal na sektor.
Ang mga sangay na ito ng SSS ay ang Mariveles-BEPZ, San Jose Nueva Ecija,Bocaue, La Union, Rosario, na mula sa Luzon, at mga sangay ng Calbayog at Kabankalan sa Visayas.
At ang mga sangay naman mula sa Mindanao ay ang Valencia, Oroquieta, General Santos City, at Cagayan De Oro-Lapasan. | ulat ni Rey Ferrer