Supreme Court, inatasan ang korte sa Davao City na ilipat ang mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa Metro Manila ang mga kasong kriminal na kinasasangkutan ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa niya akusado.

Sa desisyon ng Supreme Court ngayong hapon, inatasan nito ang Judge ng Davao City Regional Trial Court na ilipat sa Quezon City Regional Trial Court ang lahat ng mga dokumento na may kaugnayan sa kaso ni Quiboloy.

Ang utos ng Supreme Court ay dapat sundin ng Davao City RTC, tatlong araw matapos matanggap ang notice.

Samantala, agad ding inutusan ng Kataas-taasang Hukuman ang Executive Judge ng QC RTC na magsagawa ng raffle sakaling matanggap ang lahat ng mga dokumento. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us