Magkakaroon ng suspensyon sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa tuwing iiral ang red alert status sa sitwasyon sa kuryente.
Bahagi ito ng nabanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ngayong araw na ito ng Labor Day.
Sinabi ng Pangulo na layunin ng hakbang na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa harap ng nararanasang El Niño.
Kumilos na aniya ukol Dito ang Energy Regulatory Commission (ERC) na siyang magpapatupad ng pansamantalang suspensyon sa operasyon ng WESM.
Sa WESM, ang halaga ng elektrisidad ay nag-iiba bawat oras, depende sa available na supply mula sa mga generator at ang demand mula sa mga konsyumer.| ulat ni Alvin Baltazar