Tagumpay ng Marcos Administration sa anti-illegal drugs, ibinida sa UN body

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng administrasyong Marcos ang supply and demand reduction strategy na ginagamit nito kontra iligal na droga na aniya’y epektibo sa anti-drugs campaign ng pamahalaan.

Sa ulat na inilabas ng Malacañang, ipinresenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa 33rd Session ng United Nations Commission on Crime Prevention and Criminal Justice sa Vienna, Austria ang pagkakasamsam ng may $587 million dollars na ipinagbabawal na gamot sa nakaraang dalawang taon.

Lumalabas ayon sa Malacañang na ang datos ng halaga ng nasamsam na iligal na droga ay mas mataas ng 700 percent kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.

Pagbibigay diin ng Malacañang na ito ay nagawa ng pamahalaan nang walang gayung karaming nawalan ng buhay o nasawi sa anti-drug campaign ng administrasyon.

Nailahad din sa UN body ang mataas na pagbaba ng mga krimeng maiuugnay sa illegal drugs at ito’y sa gitna na din ng pagsisikap ng pamahalaan upang mapigilan ang insidente ng krimen na nakabatay sa pakikilahok ng komunidad. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us