Tanggapan ng LTFRB, bantay sarado ng mga tauhan ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakabantay ngayon ang mga tauhan Quezon City Police District (QCPD) sa paligid ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng pagsisimula ng malawakang hulihan para sa mga hindi consolidated na Public Utility Jeepney (PUJ).

Nasa tinatayang 50 tauhan mula sa QCPD ang nakaposte at may mga nakahandang pangbarikada sakaling may mga grupong magtangkang magprotesta dito.

Katunayan, sa kanto ng East Avenue at National Irrigation Administration (NIA) Road mayroon nang mga nagtipon-tipon na miyembro ng Grupong MANIBELA na inaasahang magsasagawa ng kilos-protesta para tutulan ang PUV Phaseout.

Una na ring nagbabala si Transportation Undersecretary for Road Transports Andy Ortega sa mga operator at tsuper ng jeepney na tumanggi sa consolidation na huwag nang mamasada dahil sila ay maituturing nang kolorum. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us