Sa panayam ng Radyo Pilipinas Lucena kay Tayabas CDRRMO Head Dra. Rosario ‘Che’ Paderes-Bandelaria, sinabi niyang nagbandilyo na sila sa mga lugar na madaling bahain sa lungsod tulad ng Sitio Ayala Executive Village, Sitio Pulong Ipot, Brgy. Lita Phase III at Sitio Isla Pulo, at Brgy. Camaysa.
Idinagdag pa ni Dra. Bandelaria, nakipag-ugnayan na rin sila sa Schools Division Office ng Tayabas upang maihanda ang mga paaralan bilang posibleng evacuation centers. Bukod dito, inumpisahan na rin ng CDRRMO ang pag-aayos ng mga resources at logistics upang masiguro ang kahandaan ng lungsod sa paparating na bagyo, alinsunod sa direktiba ni Mayor Lovely Reynoso-Pontiso.
Nagpapatuloy din anila ang pagmomonitor ng water level sa mga ilog sa gitna ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan para masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng mga ahensiya ng pamahalaang panlungsod sa posibleng pagbaha.
Hinihikayat din ng Tayabas CDRRMO ang lahat na naging alerto at magantabay sa mga anunsyo ng LGU para sa kaligtasan ng bawat isa. | ulat ni Joshua Miguel Suarez| RP1 Lucena