Arestado ng mga Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang American national na wanted ng Interpol sa South Korea dahil sa pagkakasangkot nito sa telecommunications fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang nasabing pasahero na si Shin Seung Chul, 62-year-old na naharang sa Terminal 1 bago ito lumipad papuntang Narita.
Napag-alaman na may hit si Chul sa Interpol system matapos itong magpa-inspeksyon sa BI Departure counter.
Dito na lumabas na pugante si Chul sa South Korea, dahilan kaya nai-turn over na ito sa mga tauhan ng BI-NAIA’s Border Control and Intelligence Unit (BCIU), kung saan agad din itong dinala sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa.
Sasailalim si Chul sa nasabing pasilidad habang tumatakbo ang deportation proceedings nito.
Maliban sa pagsipa dito pabalik sa Korea ay tiniyak din ni Tansingco na mailalagay sa blacklist si Chul para hindi na makabalik pa ng bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco
#RP1News
#BagongPilipinas