Upang mas matugunan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang ilang pangangailangan na training ng ating mga mag-aaral partikular sa mga senior high school graduates sa ating bansa.
Lumagda ng isang Joint Memorandum Circular ang TESDA katuwang ang Department of Education, Commission on Higher Education, at Department of Labor and Employment upang matiyak na equipped ang ating mga mag-aaral kapag nakapagtapos sila ng senior high.
Ayon kay TESDA Secretary Suharto Magundadatu, na napapanahon ang naturang JMC upang mas maging handa o job ready na ang mga ito sakaling makapagtapos na ang mga ito sa K to 12.
Ito ay sa pamamagitan ng ilang mga NC2 training certificate upang magamit ito ng bawat graduate mapa domestic o international job.
Samantala, ayon naman kay DepEd Spokesperson and Chief of Staff Undersecretary Micheal Poa, na malaking tulong ito sa mga mag-aaral at nagpapasalamat ito sa mga ahanesya na umagapay sa bagong MC sa pagbibigay ng de kalidad na trabaho, at kasanayan sa bawat mag-aaral na Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio