Pumasok sa isang kasunduan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kasama ang ilang industry partners at non-government organizations para gawing abot kamay ang Technical Vocational Education and Training (TVET).
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu, sa pamamagitan ng naturang pakikipagtulungan ay mas mailalapit ng ahemsya ang kanilang mga serbisyo sa mas maraming filipino.
Paliwanag nito na layon bg tesda na maramdaman ng lahat ng pilipjno ang kanilang serbisyo.
Inihalimbawa ng kalihim ang ginawa nilang partnership sa Kakamay Movemenet Organization, kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga pilipinong bingi na makibahagibsa tesda training.
Sa pamamagitan aniya ng kanilang partships sa ibat ibang organisasyonay mas nailalapit nila ang tesda sa mga miyembro ng marginalized sectors. | ulat ni Lorenz Tanjoco