Lumagda si Trade Secretary Alfredo Pascual sa isang implementing rules and regulations (IRR) sa Tatak Pinoy Act upang mas mapalakas pa ang sektor ng agrikultura gayundin ang sektor ng manufacturing sa bansa.
Kung saan layon ng naturang polisya na magkaroon ng isang comprehensive frame work ang Pilipinas para sa mga polisyang magbibigay inisyatibo sa naturang mga sektor, na tiyak na malaki ang magiging pakinabang nito sa bawat magsasaka, at sa nasa manufacturing industry.
Ayon naman kay DTI Secretary Alfredo Pascual, na kapag naipatupad na ang naturang polisya ay mas maisasaprayoridad na ang mga produkto na sariling atin, na bagay na tiyak na uunlad na ang sektor ng agrikultura sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio