Inanunsyo ng Metropolitan Mania Development Authority (MMDA) na na-deputized na nito ang traffiic enforcers sa 10 lungsod sa Metro Manila.
Kabilang dito, ayon sa MMDA, ay ang Malabon, Mandaluyong, Valenzuela, San Juan, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, at Quezon City.
Dahil dito, ayon sa MMDA, papayagan na ang mga traffic enforcer sa mga nabanggit na lungsod na magpalabas ng violation ticket sa mga lalabag sa batas trapiko.
Magugunitang binaliktad ng Korte Suprema ang naunang desisyong inilabas ng Court of Appeals na nagbibigay kapangyarihan sa mga LGU traffic enforcer na maglabas ng citation tickets.
Nakasaad sa naturang desisyon na maaari lamang itong gawin ng mga traffic enforcer ng iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa sandaling ma-deputuize sila ng MMDA.
Kabilang ito sa mga tinalakay sa pulong ng MMDA at ng Metro Manila Councilor’s League kahapon gayundin ang proseso sa pagbibigay ng excavation permit sa paghuhukay at pagkukumpuni ng lansangan.
Gayundin ang pagpapatupad ng Single Ticketing System at ang regulasyon sa mga e-bike, e-trike, tricycle, at pedicab na una nang sinuspinde mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala