Wala pang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa.
Ito’y sa kabila ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Aghon.
As of 9am, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP na may naitalang pinsala sa kanilang mga pasilidad.
Gayunman, nananatiling nakaalerto ng kumpanya hangga’t nananatili pa sa loob ng bansa ang bagyong Aghon.
Kahapon, iniulat ng NGCP ang aberya sa Pitogo-Mulanay 69kV Line na nakaapekto sa mga customer ng Quezon Electric Cooperative Inc. I ngunit agad din itong nakumpuni at napagana kahapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa