Makakaasa ang publiko na mananatiling bukas at transparent ang proseso mula sa bidding hanggang sa procurement ng mga common office supply, sa paggamit ng gobyerno ng e-Marketplace Procurement System.
“Sa e-Marketplace, hindi na kailangan umupo iyong Bids and Awards Committee doon where the procuring entity basically through perhaps their procurement service or let’s say their admin service will have to go to the e-Marketplace to conduct the procurement itself. So that’s why I was saying earlier, iyong 26 calendar days or 136 calendar days for the procurement of goods, mapapaikli talaga siya. Say, perhaps, longest one week; shortest, three days to be able to procure.” -Santiago.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi PS-DBM Executive Director Dennis Santiago na dahil online na ang sistemang ito, mas magiging bukas o availble sa publiko ang mga kinakailangang impormasyon.
“That’s the key really and kanina napag-usapan sinabi rin ng Presidente sabi niya ayaw niya nang may limitation sa openness, so sabi niya “Let’s open it up.” Ngayon nangyayari naman ito sa PhilGEPS, lahat naman can see who is buying, what they bought, iyon pong mga notices of award, notices to proceed – naka-post po lahat iyan sa PhilGEPS.” -Santiago.
Tulad ng procuring entities, presyo ng bawat produkto, technical specifications, at requirements sa pagbili ng produkto.
“Makikita ninyo doon iyong number of items sold – ‘di ba kapag marami, ibig sabihin okay ito; tapos ito mayroon din pong mga stars – kapag mas maraming stars, okay ito – ibig sabihin, dependent ito; and then at the bottom, makikita ninyo din po iyong client, consumer reviews.” -Secretary Pangandaman
Ayon naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, magkakaroon ng feature sa sistemang to, kung saan maaaring mag-iwan ng consumer review, na magsisilbing basehan sa gagawing pagbili ng mga government offices.
“So, sasabihin niya “Ah itong supplier na ito mabilis mag-deliver. Itong supplier na ito makinis, well-packed, magaganda iyong packaging,” ‘di ba parang ganoon. In fact, iyan iyong kauna-unahan na-mention at recommendation kanina ng ating mahal na Presidente na sana doon sa ating portal mayroon pong ganoong klaseng feature iyong ating website na para po makita ng mga tao kung gaano ka-transparent not just po iyong mga products lang pati iyong buong procurement process.” -Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan