Tuloy tuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng bagyong Aghon.
Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa P6.7M ang halaga ng tulong ang naipaabot sa mga apektado ng bagyo.
Nasa 16,404 na pamilya o katumbas ng mahigit sa 51,000 mga inidbidwal ang apektado ng bagyo mula sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 3, 5, 7, 8 at NCR.
Kabilang sa mga tulong na naipagkaloob sa mga ito ay accomodation & transportation, family food packs, food assistance, hot meals, packed meals, hygiene kits, malong at iba pa.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga myembro ng kanilang response clusters para sa pagtukoy sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo at para sa pinaka huling halaga ng danyos.
6 naman ang kumpirmadong nasawi, isa ang sugatan, habang ang 7 injured ay sumasailalim pa sa berepikasyon. | ulat ni Leo Sarne