Nakahanda na ang Quezon Province Disaster Risk Reduction Management Office sa posibleng magiging epekto ng Bagyong Aghon sa mga lugar na nakararanas ng matinding pag-ulan sa lalawigan.
Sa pakikipanayam ng Radyo Pilipinas Lucena kay QPDRRMO Head Dr. Melchor Avenilla, sinabi niyang nagpadala na siya ng equipment, rescue boats, at iba pang interventions sa bayan ng Lopez na isa sa mga bayan na laging nakararanas ng pagbaha tuwing may bagyong dumaraan sa probinsya.
Ayon pa kay Avenilla , 24 hours din ang kanilang ginagawang monitoring sa lagay ng panahon katuwang ang mga MDRRMO sa bawat bayan sa lalawigan.
Inaasahang dadaan ang Bagyong Aghon sa karagatan ng Jomalig bukas, May 26 base sa Tropical Cyclone Bulletin #10 ng Pagasa.| ulat ni Tom Alvarez| RP1 Lucena