Ulang dala ng bagyong Aghon, di sapat para madagdagan ang water elevation ng Angat Dam — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kahit na inaasahan ang mga pag-ulan dala ng bagyong Aghon ay hindi pa rin ito nakikitang sapat para mapataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.

As of May 23, sumadsad na sa 179.68 meters ang antas ng tubig sa dam na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.

Paliwanag ni PAGASA Hydromet Division OIC Oskar Cruz, batay sa track forecast ng bagyo ay inaasahang sa silangang bahagi ng bansa tatama ang mga malalakas na pag-ulan at hindi sa lokasyon ng Angat Dam na nasa Central Luzon.

Dagdag pa nito, masyadong malaki ang kakulangan sa tubig sa Angat Dam sa kasalukuyan at hindi ito agad-agad na mapupunan.

Katunayan, nasa higit 1,000 millimeter ng ulan ang kinakailangan aniya para bumalik sa normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Sa kabila nito, maaari naman aniyang makaapekto ang mga pag-ulan sa ilang dams na binabantayan din ng PAGASA sa Luzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us