Umano’y recording ng Chinese Embassy ng pakikipagusap sa opisyal ng AFP ukol sa “new deal”, labag sa batas – Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Parang inamin narin ng Chinese Embassy na lumabag sila sa batas ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kaugnay ng ulat na mayroon umanong inilabas ang Chinese Embassy na recording ng kanilang pakikipag-usap sa isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa sinasabing “new deal” patungkol sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Paalala ni Sec. Teodoro sa Chinese Embassy, kung ginawa nga nila ang recording nang walang pahintulot ay malinaw na paglabag ito sa anti-wiretapping law, at dapat na matukoy at paalisin sa bansa ang sino mang responsable dito.

Nagpahayag naman ng pagdududa ang kalihim sa kwento ng Chinese Embassy dahil sa normal na gawain ng Chinese Government na magpakalat ng disimpormasyon.

Binigyang diin pa ni Teodoro na tanging ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lang ang pwedeng pumasok sa anumang kasunduan hinggil sa West Philippine Sea o anumang international na bagay sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us