Unang nuclear power plant sa bansa, posibleng mabuksan at magamit pagsapit ng taong 2032 – DOE  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng mabuksan at magamit ang kauna-unahang Nuclear Power Plant sa Pilipinas pagsapit ng taong 2032.

Ito ang sinabi ng Department of Energy (DOE) kasunod ng patuloy na pagtaas ng demand sa enerhiya ng bawat sambahayan at tumataas din na singil sa kuryente.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, pinipilit nila na matugunan ang compliance sa 19 na infrastructure requirement na isi-net internationally ng International Atomic Energy Agency (IAEA).

Aniya, kapag tuluyan ng nakapag-comply ang Pilipinas sa mga naturang requirement ay maaari nang maitayo ang first nuclear power facility sa bansa.

Una ng sinabi ng Department of Energy (DOE) na may ilan ng planta ang nakalinya para palitan dahil sa pagpalya nito na siyang isa sa nagiging dahilan ng pagnipis ng suplay ng enerhiya sa Luzon at Visayas grid.

Kasunod nito, nagbabala naman ang ahensya at ang Energy Regulatory Commision (ERC) sa penalty ng mga plantang may non-compliance hinggil sa mga power outage na nararanasan sa ibang lugar sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us