Makakatuwang na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Philippine Information Agency (PIA) sa pagpapalawak ng kampanya nito sa ibat ibang programang pangkalusugan.
Kasunod ito ng isinagawang paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) nina PIA Director General Undersecretary Jose A. Torres, Jr. at PhilHealth President at CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr.
Sa ilalim nito, target na palaganapin pa ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law at pati na ang Konsulta Program (Konsultasyong Sulit at Tama) sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng targeted communication support na ihahatid ng PIA para masigurong maayos na naipatutupad ang mga programa ng Philhealth na naaabot nito ang mas maraming pilipino.
Ayon naman kay PIA DG Torres, umaasa itong sa tulong ng kasunduan ay mas maraming pilipino ang makihakayat na magrehistro bilang ng Philhealth.
“With the MOU to be signed by PhilHealth and PIA will encourage all Filipinos to enroll as members of PhilHealth, who will benefit through their Konsulta Program, such that a PhP1.4- million package is available for breast cancer,” pahayag ni Torres.
Ibinida naman ng Philhealth na mayroon na ngayong 2,161 Konsulta Package providers sa buong bansa.
“It is an utmost importance to inform the Filipinos of the healthcare program such as the Konsulta program which they can avail of,” Ledesma. | ulat ni Merry Ann Bastasa