Mabilis na umusad sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10423 o Universal Special Pension para sa mga senior citizen.
Sa viva voce voting pinagtibay sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay ng ₱1,000 kada buwan sa mga mahihirap na senior.
Nasa ₱500 naman ang ipagkakaloob sa non-indigent senior sa unang limang taon bago itaas na rin sa ₱1000.
Sa ngayon kasi hindi lahat ng senior ay nabibigyan ng karampatang pensyon.
Kaya oras na maisabatas ang universal pension, ang lahat ng senior citizens sa Pilipinas — mahirap man o mayaman, may natatangap mang pensyon o wala pa — awtomatikong tatanggap ng pensyon basta nasa edad 60 pataas.
Umaasa naman si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes na masertipikahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala bilang urgent. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
#RP1News
#BagongPilipinas