Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) na may karagdagan itong ilalaang testing centers para sa darating na UP College Admission Test (UPCAT) 2025.
Ayon sa UP, aabot sa 113 ang testing centers na ikakalat sa 14 na rehiyon kabilang ang Metro Manila at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pinakamarami ang testing centers sa CALABARZON at Central Luzon.
Sa BARMM naman, matatagpuan ang testing centers sa Patikul, Sulu; Bongao, Tawi-Tawi; Malabang, Lanao del Sur; Shariff Aguak, Maguindanao del Sur; South Upi, Maguindanao del Sur; Upi, Maguindanao del Norte; at Lamitan City, Basilan.
Habang dito sa Metro Manila, isasagawa ang UPCAT sa Manila, Quezon City (UP Diliman); Taguig City; at Quezon City (PSHS).
Gaganapin sa August 10 at 11, 2024 ang susunod na UP College Admission Test na ang makakapasa ay tatanggapin bilang first year college students sa unang semester ng Academic Year 2025–2026. | ulat ni Merry Ann Bastasa