Minamadali na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ginagawang upgrade sa mga pumping station sa Metro Manila.
Ito’y bahagi pa rin ng mga solusyon upang maibsan ang matinding pagbaha sa Kalakhang Maynila lalo na sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan na lalala pa dahil sa La Niña.
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang 71 pumping stations ang gumagana sa buong NCR.
Gayunman, 36 aniya rito ang kasalukuyang sumasailalim sa upgrade ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at pinondohan ng World Bank upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo nito.
Mula sa nabanggit na bilang, ini-ulat ni Artes na 4 dito ay natapos na partikular sa Balut, Paco, Labasan at Vitas habang mayroong 32 ang kasalukuyan pa ring isinasaayos.
Nagpapatuloy din aniya ang declogging sa mga daluyan ng tubig mula sa mga basurang itinatapon dito na siyang numero unong sanhi ng pagbaha sa Kamaynilaan. | ulat ni Jaymark Dagala