Valenzuela LGU, namahagi ng temporary shelter assistance sa mga apektadong residente ng gumuhong kalsada sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ng cash assistance ang Valenzuela LGU sa mga pamilyang naapektuhan ng gumuhong bahagi ng kalsada sa Brgy. Karuhatan sa kasagsagan ng bagyong Aghon.

Pinangunahan mismo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱20,000 para sa 10 house owners, at ₱10,000 sa bawat 16 na renters.

Ang mga ito ay pansamantalang inilikas sa Malinta Junior High School campus.

Ayon sa LGU, layon ng financial aid na makatulong para makahanap ng pansamantalang matitirhan ang mga apektadong pamilya habang kinukumpuni pa ang napinsalang kalsada.

Bukod naman sa tulong ng LGU, nagpaabot rin ang contractor ng proyekto ng financial assistance na ₱30,000 para sa owners ₱20,000 para sa renters.

May natanggap ring tulong ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kabilang ang family food packs (FFPs), grocery packs, family kits, at kitchen kits. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us