Valenzuela LGU, tiniyak ang tulong sa higit 20 pamilyang inilikas dahil sa gumuhong bahagi ng kalsada sa ginagawang City Hall

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Valenzuela LGU sa kapakanan ng higit sa 20 pamilyang kinailangang ilikas dahil sa gumuhong bahagi ng kalsada sa Bgy. Karuhatan sa kasagsagan ng bagyong Aghon.

Ang nasabing kalsada na matatagpuan sa San Agustin Street na katabi lamang ng ginagawang bagong gusali ng Valenzuela City Hall.

Nauna nang namahagi ang pamahalaang lungsod ng meals at family comfort packs sa 26 na pamilyang apektado at inilikas sa Malinya Junior High School campus.

Bukod dito, nangako rin ang LGU na magkakaloob ng tig-₱20,000 financial assistance para sa mga apektado.

Kasunod nito, tiniyak ng pamahalaang lungsod na ongoing na rin ang imbestigasyon nito sa nangyaring pagguho at handang panagutin ang private contractor sa oras na matukoy na may pananagutan ito sa nangyari.

Sa ngayon, nakalatag na rin ang ilang solusyon ng LGU para tugunan ang insidente, kabilang dito ang rectification ng kalsada at drainage systems para maiwasan ang pagpasok ng tubig at lalong pagguho; structural damage assessment para matiyak ang stability ng residential structures; at pag-iinstall ng retaining wall.

Humihingi naman ito ng pang-unawa dahil kailangang isara muna sa publiko ang kalsada habang ito ay kinukumpini. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us