WESCOM Chief, nag-leave epektibo ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na nag-leave si AFP Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto B. Carlos.

Ayon kay Padilla, pansamantalang humalili sa pwesto ni Carlos si Naval Education, Training and Doctrine Command chief Rear Admiral Alfonso Torres Jr.

Nilinaw naman ni Col. Padilla, na ang personal leave ni VAdm. Carlos ay walang kaugnayan sa pinalutang ng Chinese Embassy na kwento tungkol sa umano’y “new model” arrangement sa Ayungin Shoal na umano’y sinang-ayunan ng WESCOM sa pahintulot ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Padilla, na pansamantala lang pamumunuan ni RAdm. Torres ang Wescom at babalik din sa pwesto si VAdm. Carlos pagkatapos ng kanyang personal leave na nagsimula ngayong araw.

Paliwanag ni Col. Padilla, kailangan lang magtalaga ng pansamantalang uupo sa WESCOM dahil sa kritikal ang nasasakupan nito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us