WESCOM Chief Vice Admiral Carlos, di na kailangang imbestigahan pa kasunod ng pinalutang na new model arrangement ng China – NSC  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nakikita ng National Security Council (NSC) ang pangangailangan na paimbestigahan si Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto Carlos.

Pahayag ito ni NSA Assistant Director General Jonathan Malaya, kasunod ng sinabi ng China na nakipagkasundo ang AFP WESCOM sa kanilang bansa para sa new model arrangement, para sa pag-handle ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, binigyang diin ng opisyal na walang ganitong kasunduan na pinasok ang bansa.

“May kasunduan daw with the current administration in particular, may mga kausap daw sila di umano. And we categorically state na wala po tayong ipinapasok na kung anumang informal or formal na mga kasunduang ganito because the National Security Council and National Security Adviser Eduardo Año will never put the national interest on the line.” —Malaya

Bagamat desisyon na aniya ng AFP kung magsasagawa pa sila ng imbestigasyon kay Carlos, sila sa NSC naniniwala na hindi na ito kailangan pa lalo’t hindi naman totoo ang pinalulutang na kasunduan ng China.

“You know, Vice Admiral Carlos is a bemedaled member of the Philippine Navy. If I’m not mistaken sa Annapolis po grumadwayt (graduate) iyan. He’s one of the more senior Philippine Navy officials. And kawawa naman siya at dinadawit siya dito sa mga insinuations, fake stories and fake news and disinformation coming from the Chinese embassy.” —Malaya

Pagbibigay diin ni Malaya, panibagong fake news at disinformation lamang ito na nagmumula sa Chinese Embassy.

“Hindi matapos-tapos itong fake news and disinformation na nanggagaling sa Chinese embassy. Kahapon nagpalabas ng payahag si National Security Adviser Eduardo Año na, you know, in his words, this is ludicrous; it is absurd; it’s preposterous.” —Malaya. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us