Kapwa nag pasalamat sina Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun at Zambales at 2nd district Rep. Doris Maniquiz sa mga kasamahang kongresista sa pag bibigay pagkakataon sa kanilang mga kababayang mangingisda na maiparating ang hirap at hamon na kanilang hinaharap dahil sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Khonghun ang tensyon sa WPS, padtikular sa Bajo de Masinloc ay nakaka apekto sa kanilang hanap buhay.
Sabi naman ni Maniquiz ngayon lang nangyari na mismong national government ang bumababa sa lokalidad para malaman ang kanolang mga problema.
Maging si Zambales Gov. Jun Ebdane nagpasalamat sa mga kongresista sa pakikinig sa mga mangingisda ng Zambales.
Tiniyak naman ni Iloilo Rep. Raul Tupas, nagsisilbing chair ng defense committee, na malaya ang mga mangingisda na ihayag ang kanilang mga problema at apela para makatulong sa pagbuo ng mga polisiya at tugon.
Idiniin din nito ang kahalagahan na protektahan ang ating teritoryo at ang karapatan ng malayang paglalayag at pangingisda ng mga Pilipino sa ating teritoryo. | ulat ni Kathleen Forbes